Yung matagal mo nang hinhintay eh natupad kasi naniwala ka na kaya mo.
Sa akin, medyo nag-struggle ako sa pagkamahiyain ko when it comes to meeting new people. Pero, see what happened? Naging masaya ang December ko kasi nagbakasakali ako at wag maging mahiyain tulad ng sabi ni Ate Aeryl. Kaya ayun, na meet ko, naka usap, nakapagpa-picture at nakasamang kumain ng isaw ang isa sa mga pinaka sikat na tao sa Twitter, Tumblr at Facebook. :)
I went to their house last December 24. Sobrang nahihiya talaga ako kaya inabot ako ng 7PM sa labas nila (may lollipop na nakasubo sa bibig pampatanggal kaba hahaha..). Ang akala ko pa nga uuwi ako na may dalang suka maka diskarte lang (actually gusto ko din bumili as a remembrance hahaha). Pero ginamit ko lahat ng hiya ko sa katawan, so nagtatawag ako ng "tao po" sa labas nila. Naka 5 na ulit ata ako? XD Lumabas yung pinsan nya, ang hinanap ko si Ate Kaye kasi siya talaga yung gusto kong makausap muna bago si Kuya. Nung lumabas si Ate Kaye, I gave her the gift na matagal ko nang gustong ibigay tsaka yung gift kay kuya. Pinapabalik nya ko, sabi ko di ako pwede bukas kasi aalis kami. So nabalik ako ng 26 ng hapon. Si Ate Kaye naman ang wala. Tinulungan kami ng kakilala (na kapitbahay nila Kuya Kimpoy) ng pinsan ni Ate Aeryl.
Tinawag si Kuya ng lolo nya then pinapasok kami sa kanila (waaaaaaaaaaaah~!). Sobrang nahihiya ako... kami.. kasi nandun yung mga pinsan nya. Tapos tinanong nya kami kung may nagtitinda daw ba ng isaw sa labas nila sabi namin oo kaya dun nya kami niyaya. See? He's not like the others. Kumakain ng isaw! haha.. Yung iba kasi pagsinabing isaw, yuck agad sila. Ibahin natin si Kuya :)
Hindi nyo iisipin na tahimik siya at very down-to-earth kung hindi niyo pa siya nakikilala sa personal. Humble sila. Mabait. Ganun. Especially Kuya Kimpoy and Ate Kaye. Nageentertain sila ng fans nila. He asked me nga kung ako yung nagbigay sa kaniya ng gift nung 24. Sabi ko oo kaso umalis kagad ako kasi gabi na and wala siya nung 24. Nakilala din nya si Ate Aeryl as the girl na nagpunta nung 19 hahaha. Yung pinsan ni Ate Aeryl, 2nd cousin ni Kimpoy kaya nagpakilala siya sa Lolo ni Kuya hahaha.
After some time (na paginom namin nga mga kasama ko ng softdrinks at pagkausap ng kapitbahay niya kay Kuya Kimpoy) eh nakapagpapicture kami. At last! Eto na ang pinapangarap kong pang DP sa FB! hahaha
By the way, kuya gave me the best gift last Christmas Eve. He said thanks and okay na yun sakin :)
Ang picture na pinapangarap ko! hahaha
nahiya ako sa kulay ko nung nagkatabi kami hahaha. Ang puti nya promise. And ang bango pa niya :)
Kinikilig pa din ako hanggang ngayon hahahaha! Sabi ni Aya ang arte ko daw hahaha sbai ko minsan lang mangyari yun XD
I hope to see him again hahaha. And sana makasama siya sa Potato Day hahaha :))


No comments:
Post a Comment